Constelation Spa

Ibabalik tanaw naming kayo sa magandang batayan ng aming spa treatment, facials, masahe, body wraps, paglilinis ng kuko sa paa at kamay at tutulungan naming kayong mamili sa mga gamit na bagay sa inyong kutis at katawan.

Ang aming serbisyo ay nakatuon sa inyong pangangailangan at pagpapaganda ng inyong kutis at katawan. Kailangan ninyo lang mag-relax sa kamay ng aming magaling masahista. Pagandahin ang inyong kutis sa pamamagitan ng aming facials. Magpalinis ng kuko sa paa at kamay sa ilalim ng may karanasan na manikyurista. Mararanasan ninyo ang kaginhawaan sa inyong sarili pagkatapos gawin ang mga bagay na ito sa inyong sarili at katawan.

Mayroon din kaming salon para sa lahat ng pangangailangan ng inyong buhok at pagpapaganda ng inyong mukha. Tutulungan naming kayong mamili ng nababagay na ayos o gupit ng iyong buhok at ng kulay na para sa inyong mukha. 

Pilosopiya ng Constellation Spa

Mga Kadalasang Katanungan

Email ninyo kami sa: spa@silversaddle.com

STAR TREATMENT

Nararapat sa inyo!

 

Gusto naming samantalahin ninyo ang inihahandog naming Spa treatment sa inyo sapagkat malalaman ninyo ang kahalagahan ng inyong kutis at sa amin ninyo lang makikita ang magandang serbisyo sa mababang halaga.

“Super Nova”

Pagagandahin nito ang iyong pakiramdam mula ulo hanggang paa, sisimulan ito ng Swedish massage. Susunod ditto ang Nourishing Body Treatment at Hydra Signature Facial. At pagkatapos naman ay ang paglilinis ng kuko sa paa at kamay. At aayusin din ng isa sa pinakamagaling na stylist ang iyong buhok. 

“Rising Star Package”

Ito naman ay gagamitan ka ng Swedish massage, Natural Herbal Wrap at Classic Venus and Mars Facil. At mayroon ding tanghalian na siguradong inyong maiibigan.

Spa Services:


Facials:

Hydra Signature Facials: (50 minuto)

Ito ay hydrating treatment na gumagamit ng purong elemento na makakapagpabalik sa dating kalagayan ng inyong kutis.

Venus & Mars Facial: ( 50 minuto)

Ito ay isang uri ng European facial na perpekto para sa lalaki at babae, kasama nito ang paglilinis, steam, extractions and neck, balikat at facial massage na may ampoule treatment.

Orion Men’s Facial: (50 minuto)

Ito ay para lamang sa mga lalaki. Nakakatulong ito na magpagaling ng razor burns at kati ng mukha.

Mini Eye Treatment: (20 minuto)

Ito ay magtatanggal ng eyebags, magang mata at makakaalis ng linya sa mata.

Carina Lip Treatment: (15 minuto)

Magpapaganda at magpapalambot ng labi.

Facil

Ang inyong mukha ay lalagyan ng panlinis, lotion, moisturizer, exfoliators, gamit sa pagmamasahe, pagpapaganda ng mata at langis na para sa ikagaganda at ikakikinis ng inyong kutis.

<Top of Page>

Masahe - Massage

Swedish Massage: (50 minuto)

Ito ang pinakamagandang masahe na kinagigiliwan ng lahat. Ginagawa nito ang pinakamahabang pagmasahe sa katawan at siguradong marerelax ang buo ninyong katawan.

Aromatherapy Massage: ( 50 minuto )

Ginagamit ditto ang orihinal na aromatherapy oil na syang magpaparelax ng inyong katawan.

Deep Tissue Massage: (50 minuto)

Ito ang nakapagpapaalis ng tensyon ng kalamnan. Ang masahista ay tutuunan ng pansin ang lahat ng kalamnan.

Pre-Natal Massage: (50 minuto)

Itong uri ng masahe ay para sa mga nagdadalang tao sa kanilang sinapupunan. Makakatulong ito sa ganyan nilang sitwasyon.

In Room Swedish Massage: (50 minuto)

Ito ay ginagawa sa sarili ninyong silid kung hindi ninyo nais na lumabas ng silid. Ang masahista ang pupunta sa inyo.

Massage

Lahat ng aming masahista ay mayroong karanasan sa lahat ng uri ng masahe at kaya rin nilang sabihin sa inyo ang para sa inyo. Ang pagmamasahe ay maaaring gawi sa swimming pool, sa inyong silid o kaya naman sa spa treatment room.

<Top of Page>

Body Treatments

Aquarius Salt Glow: (50 minuto)

Ginagamitan ito ng asin na may kasamang citrus oils at algae extract. Nililinis nito ang kutis at pinapaganda.

Solar Bronzing: (50 minuto)

Magkakaroon kayo ng magandang pagitim gamit itong Solar Bronzing kahit hindi na kayo magbilad sa araw. Mapapaganda nito ang inyong katawan at kutis.

Nourishing Body Treatment: (50 minuto)

May tatlong bagay ito na magagawa sa inyong katawan: exfoliation,hydration at nutrition. Gagamit ito ng plant extract, shea butter mula sa Africa. Mapapakinis at mapapaganda nito ang kutis ng inyong katawan.

Natural Herbal Wrap: (30 minuto)

Nakakapagrelax ito ng isip at katawan.

Body Treatments

<Top of Page

Paglinis ng kuko sa paa at kamay (50 minuto ang bawat isa) –pedicure & manicure

Hindi lang ito isang uri ng paglinis ng paa, ginagamitan pa ito ng aromatherapy scent at nakalubog sa maligamgam na tubig para pabanguhin ang inyong paa. Sa paglinis naman ng kamay ginagamit ang nakabibighaning kagamitan na magtatanggal ng dumi rito. Maliban pa roon, minamasahe pa ito para matanggal ang tensyon at magkaroon ng maayos na pagdaloy ng dugo ang inyong mga daliri. Nilalagyan pa ito ng natural antioxidant, Vitamin E na para magpalambot ng inyong balat.

manicure

<Top of Page>

Constellation Spa
at Silver Saddle Ranch & Club
20751 Aristotle Drive, PO Box 2518
California City, CA 93504
760-373-0044

Site Last Updated On -  02/09/2005