Constellation Spa

MGA KADALASANG KATANUNGAN:

Massage

 

 

 

 

 

 

 

Manicure

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Facial

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Body Treatment

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

manicure

 

 

T: Ano ang dapat kong isuot pagpupunta sa SPA?

S: Ang panauhin ay maaaring magsuot ng palagiang kasuotan at magpapalit naman kasi kayo ng robe at tsinelas pagdating sa spa salon. Maaari din kayong magdala ng swimsuit para sa iba naming kagamitan tulad ng steam room, pool at Jacuzzi.

 

T: Anong oras ako dapat dumating para sa aking appointment?

S: Ang panauhin ay dapat dumating ng 20-30 minutos bago ang itinakdang oras, para makapaligo (kung nais) at para makapagpahinga o makapag-relax sa quiet room, steam room, pool o sa Jacuzzi. Ang bawat treatment ay dapat magsimula  at magtapos sa oras na itinakda para makagamit na ang susunod na panauhin.Ang panauhin na hindi dumating sa tamang oras hindi maaaring makinabang sa treatment ng mas mahaba pang oras.

 

T: Kailangan ko bang maghubad para sa aking spa treatment?

S: Ang masahista ang nagtatakip ng tuwalya o kumot sa maseselang bahagi ng katawan kapag oras ng treatment. Ang lugar na ginagawan ng treatment ang siya lang nakalabas. Ang panauhin din naman ay maaaring magpasya kung hanggang saan sila kumportable.

 

T: Maaari bang gamitin ng hindi panauhin ang spa?

S: Oo, ang hindi panauhin ng Constellation Spa ay maaaring gumamit nito pati na rin sa fitness center, steam room, outdoor pool at Jacuzzi.

 

T: Ano ang dapat kong gawin kapag ako ay magpapamasahe?

S: Mas mabuti kung hindi ka kakain ng 1 hanggang 2 oras bago ka magpamasahe. Tandaan na mag-relax at tuunan ng pansin ang iyong katawan kapag ikaw ay minamasahe. Ito ay makakatulong na maginhawain ang iyong pakiramdam sa isip man o katawan. Ang massage room ay may tahimik at maaliwalas na kapaligiran at mahinang musika paratulungan kayong mag-relax.

 

T: Bakit ako dapat magpamasahe?

S: Maraming pakinabang ang masahe, hindi lang ito nagpapagaan ng pakiramdam bagkus parte na ito ng pang araw-araw na pagsasanay. Ang masahe ay nagtatanggal ng stress at nakita sa pagsusuri na ang masahe ay nagpapababa ng stress hormones. At isa pa, ang taong may karamdaman na pisikal at mental, katulad ng asma, depression, insomnia at marami pang iba ay natutulungan nito.

      Ang mga taong kadalasang nagpapamasahe ay nararamdamang bumababa ang kanilang stress levels, nagiging alerto at responsible, at nagpapakita ng pagbaba ng mga mali sa trabaho.

 

T: Ano ang iba’t ibang masahe?

S: Swedish, Shiatsu, Deep Tissue? Para sa Swedish massage, mahabang pagkikinis. Ang mahabang paghahagod ay nagpapa-relax, inaayos nito ang pagdaloy ng dugo at nagpapaganda rin ito ng kutis. Ang Shiatsu massage naman ay kasama ang paghawak sa katawan gamit ang daliri, kamay, siko at tuhod ng masahista. Para ito sa tension, masakit

na kalamnan at pagod. Ang Deep Tissue massage naman ay therapeutic massage. Tinutuunan nito ng pansin ang grupo ng tensyong kalamnan, inaalis nito ang pagsakit at kirot ng kalamnan.

Kahit anong klase ng masahe ang pillin ninyo, sa ilalim ng kamay ng mahusay at maalagang masahista, mapupuna ninyo na ito ay masarap at nakakarelax.

 

T: Kailangan ko bang magpa-appointment para sa masahe?

S: Oo, kailangan at kung maaari ay pagdating pa lang sa resort ay magpa-appointment na.

 

T: Ano ang Standard Gratuities o Tipping Policy?

S: Ang tipping ay hindi kasama sa bayad ng treatment; Ang kaugaliang pagpapabuya ay 15% o higit pa. Ang panauhin ay maaaring humingi ng envelope sa receptionist at ibibigay ito sa nagmasahe sa inyo.

 

T: Maaari ba ang bata sa Spa?

S: Hindi maaari kasi dapat tahimik ang kapaligiran ninyo upang kayo ay makapag-relax.

 

T: Ilang taon para makapagpamasahe?

S: 18 taon o mahigit pa ang dapat magpamasahe o kaya naman magpasama sa mas matanda kung kayo ay hindi pa 18 taon.

 

T: Meroon bang Cancellation Policy?

S: Oo, dapat 24 oras bago ang inyong appointment. O kaya     naman magbabayad kayo ng 50% kung hindi napa-cancel.

 

Kung meroon kayong iba pang katanungan,

Email ninyo kami sa: spa@silversaddle.com

 

Ang Silver Saddle ay nasa California City. Matatagpuan ito sa Fremont Valley, kung saan ay dulo ng norte ng Antelope Valley. Bumisita na para malaman ninyo ang buong kasaysayan ng aming lugar.

 

 Ang California City ay may magandang klima kaya marami kayong magagawa. Ang isa sa pangunahing pantawag pansin ay ang Tierra Del Sol; kung saan bukas ang golf course ng buong taon at maaari kayong makapaglaro sa 6,800 yarda na lupain.

Ang layo ng California City sa Los Angeles ay 120 milya; 220 milya naman mula sa Las Vegas,Nevada at maikling biyahe mula sa Mexico. Kahit sang panig ninyo tignan, ang California City ay maghahandog ng kahit anong kasiyahan para sa lahat.

At isa pang pantawag pansin na tiyak na magugustuhan ninyo ay ang Central Park, kung saan ay maraming magagawa at libangan para sa lahat. Ito ay may 18 acre na lawa, marina, sports center, pati tennis courts at golf course.

Ilang minuto lang ang layo nito sa Edwards Air Force Base kung saan ang babaan ng mga shuttles ng United States nung unang panahon.

Ang iba pang pantawag pansin

 

Site Last Updated On -  07/23/2002