|
“Ang pinakasimple at likas na
hakbang para sa pagbibigay ng mabuting serbisyo sa spa.”
Ang spa menus at mga
serbisyo nito ay naging puno ng detalye at kakailanganin ng
masusing konsiderasyon at pagiisip bago ka pa mismo makapili ng
mga treatments. Para sa ibang taong baguhan ditto, ito ay
maaaring makahina ng loob o makatakot.
Iinabot ako ng isang
oras at kalahati para basahin, maintindihan at makapili ng
serbisyo na karapat-dapat sa akin para sa kaunaunahan kong
pagbisita sa spa. At nakakalitong isa-isahin ang mga pahina ng
spa treatment menu para makapagdesisyon kung alin sa madaming
pagpipilian ang nararapat sa iyo.
Ang misyon ng
Constellation Spa ay bumalik sa pinakasimpleng spa treatments na
orihinal na nagpasikat nito. Para madagdagan ang pagkakasari-sari,
sasamahan pa naming ng iba’t ibang langis na maaari nyong
pagpilian para sa aming Swedish Massage o Shiatsu Massage.
Halimbawa, Bindi Oil para magkaroon ng Indian touch, Eucalyptus
para magpalakas, at Lavender para magpagaling.
Parehas rin para sa
aming facials. Sasamahan naming ng European Facial para
magangkop sa mga
iba’t ibang klase ng balat. Halimbawa, gagawin naming ang mask
portion para maglaman ng hydration para sa tuyong mukha o kaya
naman clay type masks para sa malangis na kutis.
Ang Constellation Spa ay
para sa lahat. Kahit ika’y baguhan, wala kayong dapat
ikabahala sapagkat tutulungan naming kayong mamili ng nararapat
sa inyo. Ang aming lugar ay simple at elegante ngunit abot ito
sa inyong makakaya.
Kailangan ng bawat isa
ang oras para sa sarili. Magagawa ito sa pamamagitan ng
pagmamasahe, facial o pagpapalinis ng kuko.
Mayroong 2 simpleng
sangkap ang pagaayos sa sarili para sa akin:
1.)
Mabuhay sa Golden Rule, “Gawin mo sa iba ang sa tingin
mo’y magagawa nila para sa iyo”.
2.)
Maglaan ng isang araw sa isang buwan para sa pagpapaganda
ng sarili.
Hihintayin namin kayo
dito sa Silver Saddle Constellation Spa para maranasan ninyo ang
ibang pakiramdam sa sariling pagpapaganda.
Debra
Nicastro
Presidente
Constellation Spa |